Kung mapapansin ninyo, ang
larawan na nasa kaliwa ay nagpapakita ng mga mag-aaral na nagtataglay iba't
ibang ugali. Sa loob ng silid aralan, mayroong mananayaw, mangaawit, mahilig sa
esports, matigas ang ulo, matalino, inaapi, nang-aapi, walang paki, nagchichismisan,
nagiibigan, at hindi mawawala ang isang mag-aaral na naiiba sa lahat. Hindi
maipagkakait na tayong lahat maging bata o matanda man, hindi tayo magkapareho
ng mukha at lalong lalo na sa personalidad.